Latest News

8 PNP-CIDG COPS, PINASISIBAK SA SERBISYO

MAY walong tauhan ng Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Anti-Organized Crime Unit ang pinasisibak sa serbisyo matapos ang isinagawang preliminary investigation sa akusasyong sangkot umano sila sa pagnanakaw sa kanilang ikinasang police operation sa Angeles City sa Pampanga

Inirekomenda ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) kay PNP Chief General Dionardo Carlos na sibakin sa serbisyo ang walong pulis na miyembro ng PNP-CIDG dahil sa kasong robbery sa Angeles City nuong nakalipas na buwan ng Enero.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na hindi legal ang buy-bust operation na isinagawa ng walong pulis sa halip intensyon lamang ng mga itong magnakaw.


Nitong Martes ay isinumite nang PNP-IAS sa Directorate for Personnel and Records Management ang kanilang rekomendasyon.

Kabilang sa mga akusadong pinasisibak sa serbisyo sina Police Maj. Ferdinand Mendoza; Police Staff Sgt. Mark Anthony Iral; Police Staff Sgt. Sanny Ric Alicante; Pcpl. John Gervic Fajardo; Pcpl. Kenneth Rheiner Delfin; Pat. Leandro Mangale at Pat Hermogines Rosario Jr.

Matatandaang inakusahan ang walo ng pagtangay sa pera, alahas at cellphone ng mga biktimang mga Chinese Philippine offshore gaming operator (POGO) workers na nagkakahalaga ng ?3 milyon matapos silang arestuhin ng kanilang mga kasamahan sa subdivision sa Barangay Balibago, Angeles City.

Bukod sa walo, may dalawang Chinese citizens at isang Filipino ang inaresto din ng mga awtoridad habang pitong Chinese at isang Filipino house helper naman ang na- rescue.


Ayon sa mga akusado, nagsasagawa sila ng drug-bust at operation kontra loose firearms.

Nakuha sa sasakyan ng mga inaakusahan ang P300,000 cash at unspecified amount of US dollar bills.

Nangako si Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos na agad niyang sisibakin sa serbisyo ang walong CIDG agents sa oras na mapatunayang nagkasala.

“We will make sure you are removed from the organization because we don’t want to taint the majority of performing and professional police officers,” ani Carlos. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Anti-Organized Crime Unit

You May Also Like

Most Read