Nahaharap sa kasong paglabag sa P.D. 1602 (Online Sabong) na inamiyendahan sa ilalim ng R.A 9287,ang walong kalalakihan unang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), noong Oktubre 1 ng gabi sa loob ng Asuncion Public Market sa Tondo,Maynila.
Kinilala ni PMajor Rommel Purisima,avting chief ng DSOU,ang mga suspek na sina Jayvee Mingoy,21,on-line sabong operator; Bobby Fernandez,41,vendor; Alexis Bañarez,40,helper; Jose Quinto,51,helper;Rosauro Exconde,54,fruit vendor;Rene Petallo,52, helper; John-john Tambaon,41,helper, at Jeng Pascual Bucod,37,vendor.
Naaresto ng mga tauhan ng MPD-DSOU,alas 11 ng gabi sa loob ng palengke matatagpuan sa 958 Asuncion St., corner Zaragosa St., Brgy 1, Zone 1, District I, Tondo, Maynila.
Nakumpiska sa lugar ang iba’t ibang gambling paraphernalia ginagamit sa iligal na on line Sabong at pustang P1,930.
Naaktuhan umano ng mga pulis na pumupusta ang mga suspek .
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung sino ang nasa.likod ng operasyon ng iligal na on line sabong.














