Latest News

8 flying voters arestado

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang walong flying voters na unang nakasuhan ng paglabag sa Section 261 ng Omnibus Election Code of the Philippines noong 2016.

Gayunman,sinabi ni PMaj Philipp Ines,hepe ng MPD Public Information Office, na noon pang 2018 lumabas ang warrant of arrest laban kina Mikko Tero , Miraluna Abelay , Gerald Evangelista , Philip Regodo , Crystal Rapel, Stella Pinohon , Villa Regodo at Jomar Rasonabe pero nitong Abril 26 sila sabay -sabay na naaresto sa may San Marcelino Street,Ermita, Maynila.

Ang walo ay kabilang umano sa top 50 most wanted ng MPD


Napag-alaman kay Ines na nakauwi na ang walo matapos piyansahan ng tig-P36,000 ng isang di pinangalanan na Barangay Kagawad nitong Abril 27.

Ayon kay Ines, nagtataka sila kung bakit sama-sama sa isang lugar ang walo nang sila ay maaresto sa kabila nang hiwa-hiwalay ang kanilang warrant of arrest.

“Tinitingnan natin baka nalaman nila na meron na silang warrant of arrest at nagmi-meeting sila. Pinag-mimitingan nila kung paano ang gagawin nila kaya lang naunahan sila ng mga operatiba natin na mahuli. Kasi very unusual naman nahuli ka sa isang location,”ani Ines.

Napag-alaman din na noong 2016 pa nahuli ang walo sa vote-buying at posible umanong di dumadalo sa hearing ang mga ito kaya nag-isyu ng warrant of arrest ang korte.


Kasabay nito, pinaalalahanan naman ni Ines ang publiko na huwag mag-flying voter dahil maari silang makulong ng isa hanggang anim na taon. (Carl Angelo)

Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like

Most Read