May 7,000 miyembro ng Philippine National Police(PNP), ang ipapakalat sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Hunyo 30 sa National Museum P.Burgos St.Ermita, Maynila.
Ayon kay OIC PNP PLTGen Vicente Danao,4,000 ang manggagaling sa Manila Police District(MPD).at 3,000 sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sinabi din ni Danao na iyong mga inumin na nakalagay sa plastic cannisters at transparent bags lang ang puwedeng dalhin at papayagan ipasok sa inagurasyon.
Samantala,iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno na gawing holiday ang Maynila sa inagurasyon ni Marcos. (Carl Angelo)