79-ANYOS NA LOLA AT ALAGANG ASO, PATAY SA SUNOG DAHIL SA CELLPHONE CHARGER

PATAY sa sunog ang isang 79-anyos na lola at alagang aso, habang sugatan naman ang anak at manugang nang sumiklab ang sunog sa magkakahilerang kabahayan sa isang bahagi ng Smokey Mountain, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni SFO3 Sergio Pangan ng Arson Investigation Division-Manila Fire Bureau ang nasawi na si Juanita Vitco na residente ng isa sa mga barung-barong na nasunog sa Barangay 128, Zone 10, Balut, Tondo, Manila.


Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina Erlinda Vitco at Josephine Akbayan, 44, kasama sa bahay ng nasawi, na pawang nagtamo ng second degree burns.

Sa inisyal na ulat, nasa 30 hanggang 40 barung-barong ang naabo sa sunog na sumiklab dakong alas-3:52 ng madaling araw. Umakyat ito sa second alarm bago naideklarang fire-out alas 4:05. a.m.

Sinabi ni SFO3 Pangan na kasalukuyang nasa covered court ng nasabing lugar ang mga nasunugan na binubuo ng nasa 150 indibidwal, batay sa pagtaya ni Brgy Chairman Sigfried Hernani.Inaalam pa ang sanhi ng apoy.


Ani SFO3 Pangan, natutulog ang mga biktima nung nagkasunog at dahil mataas na pabundok ang kinatatayuan ng mga bahay nila kaya nahirapan na nung hinihila ‘yung matanda at di na kinaya dahil sa apoy.

Kasamang natupok ang alagang aso ng pamilya Vitco.Maswerteng nakaligtas naman ang apat na apo ng nasawi. (Carl Angelo)


 


Tags: Arson Investigation Division-Manila Fire Bureau

You May Also Like