May naitalang 770 bagong kaso ng COVID 19 ang Department of Health (DOH) sa bansa.
Ang naturang bilang, ang pinakamataas magmula noong Marso 2022.
Habang umakyat.na 6, 068 ang aktibong kaso ng COVID-19 na mas mataas sa 5, 523 noong Huwebes.
Sa datos ng DOH ,pinakamarami ang nahawa sa nakalipas na dalawang linggo kung saan sa National Capital Region ay may 3, 264; sinundan ng CALABARZON na may 1, 089 at Western Visayas na may 279.
Hindi naman nadagdagan ang bilang ng mga nasawi na umaabot na ngayon sa 60, 507 habang 3, 632, 676 ang gumaling sa virus.
Nalaman na may 3, 699, 251 ang kabuuang bilang nang dinapuan ng COVID19 sa bansa. (Philip Reyes)