Latest News

77 posts abroad, bukas na para sa 2025 NLE online voting

By: JANTZEN TAN

Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na matagumpay nang nakapagbukas ang lahat ng 77 Online Voting and Counting System (OVCS) posts sa ibayong dagat para sa May 12 midterm elections.

Ayon kay Garcia, ang Honolulu Philippine Consul General ang pinakahuling nagbukas ng kanilang OVCS post dakong alas-2:00 ng madaling araw, Philippine Standard Time (PST) o alas-8:00 ng umaga sa Honolulu.


Lahat umano ng 16 posts na gagamit ng automated counting machines (ACMs) ay matagumpay na ring nagkapagsagawa ng open voting procedures.

“Successfully opened na po ang lahat ng 77 OVCS Posts, with Honolulu PCG being the last one at around 2:00 AM Philippine Standard Time (8:00 AM in Honolulu). Earlier today, all 16 ACM Posts have also successfully conducted open voting procedures,” ani Garcia.


“With that, all 93 Posts have opened voting for their respective jurisdictions for the 2025 National Elections overseas,”dagdag pa nito.

Nitong Linggo, pormal nang sinimulan ng Comelec ang isang buwang overseas voting para sa 2025 midterm elections para sa mga registered Filipino overseas voters.


Una umanong nagbukas ang mga lugar sa New Zealand, sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Wellington Philippine Embassy.

Sinimulan ito ganap na alas-8:00 ng umaga (local time) noong Linggo, Abril 13, at magtatagal hanggang alas-7:00 ng gabi sa Mayo 12, kasabay nang pagtatapos rin ng botohan sa Pilipinas.

Napag-alamang mula sa 90 Philippine diplomatic posts, 77 ang lumalahok sa kauna-unahang online OVCS at 16 naman ang gagamit ng ACMs.

Mayroong 1.231 milyong Filipino voters sa ibayong dagat.

Ayon kay Garcia, hanggang alas 5 ng madaling araw nitong Lunes ay umaabot na sa kabuuang 54,575 ang overseas voters na nagpatala para makaboto sa midterm elections.

Tags: Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia

You May Also Like

Most Read