TARGET ng gobyerno na mabakunahan ng COVID-19 vaccine ,ang may 77 o 85% ng eligible population bago matapos ang buwan ng Hunyo.
“Our target would be 77 million individuals by the end of June. This is 85% of our targeted eligible population which is 90 million,”ayon kay Health Secretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.
“Currently that is our working target. We already were able to vaccinate 68.5 million Filipinos. We expect only a little number, we hope to reach them by the end of June,” dagdag ni Vergeire.
Kasabay nito,iniulat ni Vergeire na may 7,407 indibiduwal ang nakapag pabakuna sa mga sites malapit sa polling precint noong Mayo 9.
Ang naturang bilang ay mas mababa kumpara sa araw-araw na bilang ng mga nagpapabakuna pero nakita na may mga tao na nakahandang magoa bakuna pa rin kahit na mainit ang araw. (Carl Angelo)














