By: JANTZEN ALVIN
Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes na higit 76% na nilang tapos ang isinasagawang pag-iimprenta ng mga balota para sa May 12, 2025 National and Local Elections (NLE).
Ayon sa datos na ibinahagi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa media, nabatid na hanggang nitong Marso 3, 2025 ng umaga ay umaabot na sa kabuuang 53,894,129 balota ang kanilang natapos na iimprenta.
Ito ay 76.58% ng kabuuang 72 milyong ballot requirement para sa midterm polls.
Bunsod nito, nasa 16,338,956 balota na lamang umano ang kailangang iimprenta ng Comelec para sa eleksiyon.
Target ng Comelec na matapos ang ballot printing hanggang sa ikalawang linggo ngayong buwan.
“Ang ating pong pag-print ng balota, more or less, March, tapos [na] kami. Mga second week going to the third week of March. The most, March 19, tapos kami sa printing, basta magtuloy-tuloy ang performance ng anim na makina,” ani Garcia.