KALABOSO ang isang 72-anyos na lalaki matapos na manyakin ng tatlong beses ang isang 10-anyos na dalagita, sa isang police operation ng Manila Police District kamakalawa ng gabi sa 87 Creekside Pascor Drive, Brgy. Santo Niño, Paranaque City .
Si Danilo dela Cruz ay inaresto sa bisa ng arrest warrant inisyu ni Manila RTC Presiding Judge Roy Gironela ng Branch 43 dahil sa three counts ng kasong acts of lasciviousness in relation to RA 7610.
Ang suspek ay naaresto ng Manila Police District police team na pinangunahan ni PLTCol. John Guiagi bilang hepe ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) .
Ayon kay Guiagi, initekomenda ng hukom ang piyansang P108,000.00 sa kasong tatlong counts ng acts of lasciviousness na isinampa ng biktima laban sa suspek noong 2024.
Ang suspek ay inakusahan ng biktima na ilang beses umanong nilamas ang kanyang dibdib at hinihipuan din siya sa ari tuwing magkakaroon ng oportunidad.














