May 70 pang bangkay ng mga nasawing persons deprived of liberty (PDLs) na nasawi sa National Bilibid Prison (NBP) at nakalagak sa Eastern Funeral parlor ang inilibing na kahapon ng umaga sa Muntinlupa Cemetery.
Una nang inilibing ang 10 bangkay noong Nobyembre habang 60 pa ang inilibing noong nakalipas na linggo.
Ang mga bangkay ay kabilang sa 176 na nakalagak sa Eastern Funeral na nabulgat matapos ang pagkamatay ng middleman na si Jun Villamor.
Napag-alaman kay Bureau of Corrections (BuCor ) Deputy Director General for Reformation Dr. Ma. Cecilia Villanueva na ipinaalam na sa mga pamilya ng nasawing inmate ang paglilibing.
Kabilang na ang mga bangkay na natuyot na at naagnas na sa mga inilibing, kabilang na ang isang Japanese national na inmate na nasawi noong Nobyembre, kung saan nagpahayag ang pamilya na hindi na sila intresado na i-claim pa ang bangkay.
Kaugnay nito,napag-alaman na may walong bangkay ang inaasahan na ia-awtopsiya na pawang nasawi may tatlong buwan na ang nakakalipas.
Samantala, nagha-hire ng karagdagang health personnel ang BuCor para italaga sa iba’t -ibang kulungan. (Jantzen Tan)
70 pang PDL na nasawi sa NBP, inilibing na