70-ANYOS NA LOLA, NABUNDOL SA TONDO, PATAY

By: Jerry S. Tan

By: Itchie G. Cabayan

AGAD na nasawi ang isang lola matapos mabundol ng isang sasakyan habang tumatawid sa isang kalsada sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng umaga.


Ang biktima, na residente ng A. Rivera Street sa Tondo, ay namatay matapos tumilapon bunga ng impact ng pagkakabundol sa kanya.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na residente ng Ermita, Maynila, habang inihahanda ang kkaukulang kaukulang kaso laban sa kanya.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-7:50 ng umaga nang maganap ang insidente sa northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue, kanto ng Bambang Street sa Tondo.


Minamaneho umano ng suspek ang isang Mitsubishi L300 van at binabagtas ang northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue, nang pagsapit sa kanto ng Bambang Street ay aksidenteng mabangga nito ang biktima, na noon ay tumatawid sa kalsada.

Tumilapon ang biktima at bumagsak sa sementadong kalsada, na nagresulta sa agaran niyang pagkasawi.


Tags: Manila Police District (MPD)-Homicide Section

You May Also Like