Latest News

70-anyos lola, patay sa sunog

PATAY ang isang 70-anyos matandang babae matapos na ma-trap sa naganap na sunog, kahapon ng umaga sa gilid ng estero  sa may Recto Avenue,Sta.Cruz,Maynila.

Kinilala ng Manila Bureau of Fire Protection ang biktima na si Mary Castillo, na hindi nakalabas sa bahay.

Nagsimula ang sunog alas-5:43 ng umaga  sa dalawang palapag na residential shanty na inookupa ni Mel Bernabe.


Umabot ang sunog sa ikatlong alarma at idineklarang fire-out alas 7:30 ng umaga.

Nabatid kay FO3 Axle John Ramos ng Manila BFP na aabot sa may 20 pamilya  ang nawalan ng bahay sa nabanggit na sunog. Patuloy namang iniimbestigahan ng Arson Division ang sanhi ng sunog.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection(BFP)

You May Also Like

Most Read