ISANG pitong-anyos na babae ang hinihinalang hinalay at pinatay saka isinilid sa isang sako ng umano’y kapwa menor de edad sa bayan ng Pila, Laguna.
Ayon sa report ng Pila police, hinihinalang naganap ang krimen Lunes ng hapon nang magsimulang mawala ang batang huling nakitang naglalaro sa kanilang lugar.
Pinaghahanap ito ng mga kaanak hanggang sa matagpuan ang katawan niya sa sako ng bigas sa Brgy. Masico dakong alas-8 ng gabi sa liblib na lugar sa nasabing barangay.
May mga sugat ito sa katawan na posibleng sanhi ng kanyang kamatayan. Sinasabing may isang 15-anyos na binatilyo na itininuturing na person of interest sa kaso ang inilagay sa kustodiya ng Pila -DSWD.
Ipinag- utos na isailalim sa medico-legal examination ang bangkay upang malaman kung ginahasa talaga ang bata.
Kamakailan ay may dalawang menor de edad din ang dinakip dahil sa hinalang ginahasa at pinatay nila ang pitong-taong gulang ding batang babe sa Purok 6, Brgy. Landayan, San Pedro City, sa lalawigan din ng Laguna. (VICTOR BALDEMOR)














