Latest News

7 MANGINGISDA, NAWAWALA SA BANGGAAN NG BANGKA AT CARGO VESSEL

NAGSASAGAWA ngayon ng ‘search and rescue operations’ ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para mahanap ang pitong mangingisda na nawala makaraang bumangga ang kanilang bangka sa isang cargo vessel sa Agutaya, Palawan nitong Linggo ng hapon.

“Nagbigay na ng directive ang aming commandant, si Admiral Art Abu, na magkaroon ng isang malawakang search and rescue para hanapin itong walong crew na nawawala pa,” ani PCG spokesperson CG Commodore Armand Balilo.


Nangyari ang maritime incident alas-5:40 ng hapon kahapon sangkot ang FB JOT-18 at M/V Happy Hiro sa karagatang sakop ng Maranacao Island sa Agutaya, Palawan.

Nabatid na may 20 sakay ang naturang bangka nang maganap ang insidente. May 13 sa kanila ang nailigtas at isinakay sa MV Happy Hiro na papunta sa Lipata, Culasi, Antique.

Kinilala ang mga nasagip na sina: Donde Petiero, 38, Estancia, Iloilo; Roderico Mata, 31; 3. Randy Mata, 36; Renie Espinosa, 38; Mario Quezon, 24; Sammuel Ducay, 40; Rendil Dela Peña, 42; Martin E. Flores Jr., 58; Jupiter Ibañiez, 38; Andring Pasicaran, 43; Jonel Mata, 30; Joemar Pahid, 32; at Arjay Barsaga, 26.


Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations ng MRRV 4406 BRP Suluan, kasama ang rescue teams mula sa Coast Guard Station Cuyo at Sub Station Agutay sa Iloilo. (Carl Angelo)


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like