Latest News

7 DUROG NA KATAWAN, 45 AT 5 KILO NG SHABU, NASAMSAM NG MILITAR

PITONG durog durog na katawan ng mga kasapi ng Daula Islamiya – Maute Group ang nakuha ng miliar habang umaabot sa 45 high powered firearms at 5 kilo ng Shabu naman ang nasamsam matapos ang sinagawang air sortie ng Philippine Air Force at ground assault ng Philippine Army sa Maguing Lanao del Sur.

Sa pagsisimula ng month long Philippine Army 125 anniversary na may Temang:“Philippine Army @ 125: Kapayapaan Para Sa Lahat” ay tiniyak ni Army commanding general Ltgen Romeo Brawner na hindi na mauulit pa ang madugong Marawi siege na kumitil ng magigit sa 100 tauhan ng pamahalaan

Ayon kay Ltgen Brawner, kasalukuyan pa nilang inaalam kung kabilang si Abu Zacariah, ang sinasabing new emir ng ISIS sa Southeast Asia sa pitong Islamic State terrorist na napaslang sa sinagawang pag-atake sa kanilang kuta sa bayan ng Maguing.


Sa ibinigay na upadate kahapon ni Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr. bukod sa 45 serve crew at high powered firearms ay naka recovered din ang kanilang mga tauhan ng 22 Improvised Explosive Devices at ialng anti-personnel mines sa sinagawang pursuit operations kasunod ng close air support and combat operations na sinaagwa sa Barangay Ilalag, Maguing,

“Our troops averted and countered possible desperate attacks employed by the Daulah Islamiyah to inflict casualties not only to the armed forces but even the innocent civilians,” tpahayag pa ng WestMinCom Commander.

Sinasabing may na recovered ding na humigit kumulang sa limang kilo ng “Shabu” ang kanilang mga operating troops . “Drug abuse/addiction is one of the major social problems that often cause distress, conflicts, and to a greater extent, criminalities, and terrorism,” ani Lt. Gen. Rosario, Jr.

Hinihinalang nagbabalak ang grupo ni Abu Zacariah na lumikha ng kaguluhan sa panahon ng paggunita ng Ramadan at sa nalalapit na National and Local Elections.


Nabataid na pinag aaralan na rin umano ng mga teroristang grupo ang paggawa ng rocket at mortars ammunitions.

Kinilala naman ni Maj. Gen. Generoso Ponio, Commander Joint Task Force ZamPeLan ang nasawing sundalo na si Private Clint Rey Armada, na kasamang sumalakay ng 51st Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Payapaya, at 55th Infantry Battalion under Lt. Col. Villanueva, at iba pang supporting units.

Kabilang sa na-recovered na mga war materials ang tatlong cal. 50 Machine Guns with Tripod, isang cal. 30 Machine Gun with Tripod, dalawang M60 General-Purpose Machine Guns, labingdalawang 5.56mm M16 rifles, isang M653 rifle, isang M4 Carbine, isang 20-inch AR-15 rifle, limang 7.62mm M14 rifle, isang 7.62mm M4 rifle, anim na Rocket-Propelled Grenade Launchers, dalawang M203 Grenade Launchers, anim na improvised 50 caliber Sniper rifles,isang Garand rifle, isang Browning Automatic rifle (BAR), isang cal. 22 AK47, at isang e Shotgun.

Other war materials seized are assorted ammunition, magazines, IED components, propelled grenades, improvised rockets, a laptop, radio, cellphone, an improvised explosive mixer, ISIS flags, and propaganda materials. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read