Latest News

6M balotang na-imprenta na, masasayang dahil sa TRO ng SC

By: JANTZEN ALVIN

MAY anim na milyong balotang natapos nang maimprenta ng Commission on Elections (Comelec) para sa May 12, 2025 National and Local Elections (NLE) ang maba-balewala at masasayang na lamang, matapos na maglabas ang Supreme Court (SC) ng temporary restraining order (TRO) laban sa diskuwalipikasyon ni dating Caloocan City representative Edgar Erice at apat na iba pa.


Bago niyan ay nagpalabas ng TRO ang Supreme Court (SC) at hinadlangan ang Comelec laban sa pagdiskuwalipika sa mga naturang kandidato.

Dahil diyan ay napilitan ang Comelec na kaagad na ipatigil ang pag-iimprenta ng mga balota dahil hindi kasama sa mga ito ang mga pangalan ng mga naturang kandidato na una na nilang diniskuwalipika ngunit kalaunan ay pinaburan ng Korte Suprema.

“Yung naimprenta po namin na higit kumulang na 6 na milyong balota ay mababalewala na po lahat sapagkat wala po ‘yung pangalan ng naturang kandidato,” ani Comelec chair George Erwin Garcia.


“And therefore, back to zero po kami,” aniya pa.

Sa pagtaya ni Garcia, ang bawat balota ay nagkakahalaga ng P22 kaya’t sa kabuuan, aabot sa P132 milyon ang halaga ng masasayang na balota.


“Medyo malaki na po. Kung anim na milyon ‘yan, i-multiply ninyo po sa P22 isang balota. Pagkatapos,  napakadami po namin doon na mga tauhan na pinapasuweldo with overtime lahat po ‘yun kasi nga po may night shift po kami,” dagdag pa niya.

 


Tags: Commission on Election (COMELEC

You May Also Like