NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa 68 pasahero at tripulante ng isang motorized sea vessel na tumirik sa karagatang sakop ng lalawigan ng Basilan nitong Miyerkules ng umaga.
Sa ulat, nakatanggap ng distress call ang PCG-District Southern Mindanao ukol sa pagtirik ng ML Sulna sa bisinidad ng Panducan Point, Basilan.
Nabatid na nasiraan ng makina ang pampasaherong bangka habang patungo ng Zamboanga City mula sa Taganak, Tawi-Ta
wi at tumirik sila sa gitna ng karagatan.
Kaagad na rumesponde ang sea vessel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (MCS-3007) na lulan ang mga tauhan ng PCG na nagsagwa ng search and rescue operation hanggang sa matunton ang ML Sulna na palutang-lutang sa karagatan.
Makaraang matiyak na nasa maayos na kalusugan ang 57 pasahero at 11 crew nito, tinow ng SAR team ang ML Sulna patungo sa Zamboanga City Port. (Carl Angelo)