Latest News

67 KATAO, NASAWI SA DENGUE

By: Jaymel Manuel

Umabot sa 67 katao ang nasawi sa dengue mula Enero 1 hanggang Pebrero 10,2024 na nagresulta ng 32% case fatality rate (CFR) ngayong taon.

Patuloy naman ang ginagawang. pag-monitor at pagkontrol ng Department of Health (DOH) sa kaso ng dengue.

Gayunman, kinumpirma ng DOH ang downtrend ng mga kaso ng dengue mula Enero 1, 2024 hanggang Pebrero 10, 2024.


Base sa datos ng DOH, nakita ang 11% nang pagbaba sa kaso nationwide mula Enero 14 na may 7,434 na kaso mula 8,368 na kaso mula Enero 1 hanggang Enero 13.

Nagkaroon pa umano ng pagbaba nitong Enero 28 hanggang Pebrero 10,2024 na nakapagtala na lamang ng 5,267 kaso .

Gayunman, maari pang mabago ang figure dahil sa mga posibleng naantalang konsultasyon at mga kasong iniuulat.

Naiulat sa Region X at Caraga ang pagtaas ng kaso sa nakalipas na tatlong linggo mula Enero 14-27 nang maitala ang 1,384 kaso kumpara noong Enero 1-13 na nagkaroon lamang ng 715 kaso.


Kaugnay nito, hinimok ng DOH ang publiko na paigtingin pa ang 5S strategy kontra dengue na ” search and destroy mosquito breeding sites; self-protection measures, seek early consultation; say yes to fogging where needed and start and sustain hydration”.

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read