Kasalukuyang inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang isang 65- anyos na biyuda matapos tagain sa ulo ng isang tricycle driver sa bintang na isa umano itong mangkukulam, kamakalawa ng umaga sa may panulukan ng Pimbago at Rawatun Street, Carlos Palanca, Brgy. 648, San Miguel, Maynila.
Kinilala ni PSSg Jeus Cris S Jacalne ng Manila Police District -Police Station 14ang biktimang si Gloria Mahilac, ng Rawatun Street, habang arestado naman sa isinagawang follow-up operation,ang suspek na si Jabbar Mocaebat, 29, ng Pimbago St., Brgy. 648, San Miguel, Maynila.
Naganap umano ang insidente alas- 8:10 ng umaga sa nabanggit na. lugar.
Batay sa CCTV, sinusundan umano ng suspek ang biktima na papunta sa bahay ng kanyang anak na si Joan , 34 at residente ng Rawatun St. Carlos Palanca, San Miguel, Maynila.
Maya-maya ay nakita umano ni Joan na duguan ang biktima. kaya. mabilis niya itong isinugod sa JRMMC.
Kaagad namang nagreklamo sa barangay si Joan at sa isinagawang follow-up operation ng mga barangay tanod na sina Aba Jamail at Hadji Qualed ay naaresto ang suspek na ngayon ay ipaghaharap ng kaukulang kaso.