Latest News

65-ANYOS INATAKE SA SOBRANG INIT, NATAGPUANG PATAY

By: Baby Cuevas

Hinihinalang inatake sa loob ng kanyang kuwarto sa Sampaloc, Maynila dahil sa sobrang init kahapon ng umaga ang isang 65-anyos na lalaki.

Walang saplot ang biktima nang makitamg walang buhay sa kanyang tahanan sa Cristobal Street, Sampaloc, Maynila.

Napag-alamqn kay PMSg Archie Victorino, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, na alas 10:30 ng umaga nang makitang walang buhay ang biktimang si Elmer Ramirez Beriña, nanninirahan sa ikatlong.palapag ng bahay nito sa #744 Cristobal St., Brgy. 450 Zone 45 Sampaloc, Maynila.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima noong Abril 23 ,2024 dakong alas- 6 ng umaga.

Nakita umano ang biktima na nahihirapang huminga at namumutla kaya nagpa-schedule itong magpacheck- up noong Abril 24 pero hindi na ito nakita pa.

Ang bangkay nito ay dinala sa punerarya para sa kaukulang awtopsiya.

Tags:

You May Also Like

Most Read