Umakyat na sa kabuuang 64,298 ang bilang ng mga namatay sa bansa dahil sa COVID-19 hanggang nitong Nobyembre 8.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) , nasa 4,011, 625 naman ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa bansa, at 16,034 ang aktibong kaso.
Napag-alaman na pinakamarami namang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 ay mula sa National Capital Region (NCR) na may mahigit 1.2 milyon,na sinundan ng CALABARZON sa mahigit 718 ,000. Pumangatlo ang Central Luzon na mahigit 395,000, pang-apat ang Western Visayas at pang-lima ang Central Visayas.














