Latest News

64 PORSYENTO NG MGA PILIPINO, AYAW NG GIYERA

By: Victor Baldemor Ruiz

LUMILITAW sa isinagawang pag-aaral na mahigit kalahati ng populasyon ng Pilipinas ang pabor sa diplomatikong solusyon para pahupain ang tensyon sa West Philippine Sea.

Sa ginawang survey ng Pulse Asia noong buwan ng Mayo ay lumilitaw na malaking bilang ng mga Pilipino ang pabor na magkaroon ng diplomatikong pamamaraan sa pagresolba ng tensyon at agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Base sa nasabing pag-aaral ay lumilitaw na mahigit anim sa bawat sampung Filipino o katumbas ng 64% porsyento ng mga Pinoy ang nagsabing kailangan ng Code of Conduct sa WPS.

Ang survey ay isinagawa mula May 5 hanggang May 9 ng kasalukuyang taon habang 1200 ang kabuuang respondents nito.

Tags:

You May Also Like

Most Read