Nasa 64 pamilyang naninirahan sa ilalim ng tulay ang apektado sa sunog na naganap kahapon ng umaga sa Barangay 128,Vitas, Tondo, Maynila.
Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), napabayaang nilulutong pagkain ang sanhi ng sunog pasado alas-11 ng umaga.
Hindi na nagdeklara ng alarma ang BFP dahil mabilis namang naapula ang sunog.
Napag-alaman sa Barangay 128 na ang mga nakatira sa ilalim ng tulay ay galing sa iba’t-ibang lugar at nagsimulang dumami noong panahon ng COVID- 19 pandemic.
Ang naturang tulay ay nag-uugnay sa Maynila at Navotas.














