Umabot na sa kabuuang 64 ang domestic flights na kinansela Martes ng umaga ng Iba’t- ibang airlines dahil sa paga-alburoto ng bulkang Mt. Kanlaon.
Sa abiso ng CAAP, may 22 ang kanseladong domestic flights mula Cebu Pacific na biyaheng Manila-iloilo-Manila; Manila-Bacolod-Manila; Davao-Manila; Gensan-iloilo-Gensan at Iloilo-Laguindingan- Iloilo.
Sampung domestic flights din ang kinansela ng Cebgo na biyaheng Cebu-Bacolod-Cebu; Cebu-Pagadian-Cebu; Cebu-Ozamiz-Cebu at Cebu-Tacloban-Cebu.
Nanatili pa rin sa anim ang kanselado sa Air Asia.
Samantala, umabot naman sa 22 ang kanseladong flight PAL Express. Ang mga ito ay ‘yung biyaheng Manila-Cebu-Manila; Manila-Bacolod-Manila; Manila- Iloilo-Manila; Iloilo-Gensan-Iloilo atManila – San Jose Antique – Manila.
Dalawa naman ang kanselado sa Airswift Flights na biyaheng ATX 336/337 El Nido – Cebu – El Nido.
Pinayuhan ng CAAP ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines bago magtungo ng paliparan upang maiwasan ang anumang abala.