Latest News

Ang nawawalang si Duquilla.

64- anyos may dementia, nawala sa MNC

Pinaghahanap ng kanyang mga kaanak ang isang 64-anyos na lalaki na may iniindang ‘dementia’ at diumano ay nawawala at huling nakita sa exit gate ng Manila North Cemetery kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Atty.P rincess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, kinilala ang nawawalang lalaki na si Robert Duquilla.

Nakasuot umanong kulay peach na t-shirt, khaki maong pants at kulay brown na leather na tsinelas si Duquilla nang huling makita dakong alas-5 ng hapon.

Si Duquilla umano ay na-diagnose na may dementia at memory loss.

Maari umanong tawagan ang kanyang anak na si Robert Duquilla ,Jr. sa 0906-002-9098 o Jovic 0928-404-4747.

Tags:

You May Also Like

Most Read