64-ANYOS LOLA, NASAWI SA SUNOG SA TONDO

By: Baby Cuevas

Isang 64- anyos na lola ang nasawi matapos na sumiklab ang sunog sa isang residential area noong Biyernes ng hatinggabi sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na di pinangalanan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ay residente ng Hermosa Street, Gagalangin, Tondo.

Ayon sa BFP, alas- 11:32 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa Hermosa Street na sakop ng Barangay 182.


Natutulog na umano ang biktima nang magsimula ang sunog kaya hindi na nito nagawa pang makalabas ng bahay.

Ang sunog ay umabot lamang sa ikalawang alarma bago tuluyang naideklarang fireout ala-1:29 ng madaling araw kahapon.

Nahirapan umano ang mga bumbero na apulain ang apoy dahil sa masisikip na kalsada sa lugar.

Ayon sa BFP , nasa anim na tahanan ang tinupok ng apoy at nasa pitong pamilya o 21 indibidwal naman ang apektado sa sunog.


Iniimbestigahan ng Arson ang sanhi ng sunog at inaalam pa ang halaga ng mga ari-ariang napinsala.

Tags: Bureau of Fire Protection (BFP)

You May Also Like

Most Read