Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng may 6,399 bagong kaso ng COVID 19 mula Hunyo 25 hanggang nitong Hulyo 1,2022.
Ayon sa DOH tumaas na sa 914 ang arawang kaso ng COVID19 na naitala sa bansa.
Gayunman,nanatili n naza “low risk”,ang healthcare utilization rate sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Nabatid na nasa 1.5% ng kabuuang hoapital admissions.
Nasa 8,706 na ang kabuuang aktibong kaso hanggang nitong Hulyo 1 kung saab 8,566 ang asymptomatic, mild, o moderate.
Habang 140 naman ang krjtikal at malala.
Kinumpirma rin ng DOH na may 58 ang bagong bilang ng mga nasawi at 3,761 ang nakarekober. (Philip Reyes)