Agad na nasawi ang isang 61-anyos na lalaking American national matapos umanong tumalon mula sa ika-27 palapag ng tinutuluyang condominium at bumagsak sa ika- 9 na palapag ng Royal Plaza Twin Tower na matatapuansa No. 648 Remedios St.Malate,Maynila.
Batay sa ulat ng Manila Police District-homicide section, namatay noon din ang biktimang si Kevin Todd Treiber, ng Unit 2703, Royal Plaza Twin Tower, dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.
Ayon sa Administrative Office, nag-report umano ang isang umookupa sa naturang condominium na nakarinig sila ng isang malakas na kalabog sa 9th floor at nang hanapin ng security personnel at building maintenance ang pinagmulan ng kalabog, nakita nila ang biktima na nasa tabi ng water control tank.
Agad na iltinawag ang insidente sa Remedios Police Community Precinct at ito ang tumawag sa MPD-hs.
Napag-alaman na ang biktima ay nag-iisang umookupa sa kanyang unit mula pa noong Marso 2023.
Nasa funeral homes ang bangkay ng biktima para sa awtopsiya at safekeeping, habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente para matukoy kung may ‘foulplay’ sa pagkamatay ng biktima.














