Latest News

600 pamilya, nawalan ng bahay sa sunog sa Maynila; 2 fire volunteers, nasaktan

By: Baby Cuevas

May 600 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog kamakalawa ng gabi sa Building 29, Aroma St., Temporary Building, Barangay 105, Tondo, Maynila, kung saan dalawang fire volunteers ang nasaktan.

Sinabi ng Manila Bureau.of Fire Protection na nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay ni Sharon Vinco. alas-10:34 ng gabi na umabot sa ika-limang alarma at idineklarang fireout alas-5:26 ng umaga.

Ayon sa BFP, ang mga nasugatan ay kinilala na sina Nilo Noque, 17, ng Central Tondo fire volunteer, na nasugatan sa middle finger ; at Marky Villanueva, 30, Jec volunteer, na nasugatan sa kanang paa.
,
Itinatayang nasa P5. 5 milyon ang halaga ng. mga napinsalang ari-arian.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection

You May Also Like

Most Read