Latest News

60-anyos, patay sa kuyog

NAKAUWI pa ng bahay ang isang 60-anyos soltero na umano’y kinuyog sa may riles ng tren,kamakalawa ng gabi malapit sa Maria Guizon St.Tondo,Maynila.

Nasawi habang inoobserbahan sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital ,ang biktimang si Edmundo Santos, taga Blk 10 Lot 26 P-3 Tawilis Bilaran,Kaunlaran Village,Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section,naganap ang insidente alas.6:30 ng gabi sa riles ng tren base sa kuha ng CCTV.

Alas 7:30 ng gabi nang umuwi ang biktima sa bahay ng kapatid na si Rowena Tolentino at napansin na namamaga ang mukha ng biktima.

Kaagad itong isinugod ang biktima sa Martinez Hospital pero kalaunan ay inilipat sa Diosdaso Macapagal Hospital pero pagsapit ng alas 9:30 ng gabi ay binawian ng buhay ang biktima.

Ala-1:20 ng madaling araw kinabukasan nang ireklamo ni Rowena sa MPD-Police Station 7 ang nangyari sa kapatid.

Samantala, patuloy naman ang manhunt operation laban sa apat na suspek.

Tags:

You May Also Like

Most Read