6, timbog sa droga

ANIM na kataong hinihinalang sangkot sa bentahan ng droga ang dinakip ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Manila Police District sa inilatag na buy-bust operation sa Ligaya Street, Sampaloc, Manila, Sabado ng madaling araw.

Kumpiskado ang may 43 gramong hinihinalang shabu na may halagang P292, 740.


Ayon sa ulat ni PMajor Inocencio Richard Villanueva, hepe ng District Anti- Illegal Drug Enforcement Unit kay MPD- Director, PBGen. Andre Dizon, alas-4 ng madaling arawnang isagawa ang buy-bust operation sa nasabing lugar.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2022. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District

You May Also Like