ISANG light-twin piston-engined aircraft ang bumagsak sa dagat na may lulan na anim na student pilot habang nagsasagawa ng test flight kahapon ng umaga sa Barangay Sto. Rosario Iba , Zambales .
Sinasabing nagsasagawa ng test flight ang anim na piloto sa isang Rockwell Commander 685 or Aero Commander 685 aircraft nang bumagsak ito sa tubig may 500 metro mula sa dalampasigan ng Purok 3, Barangay Sto. Rosario, Iba, Zambales bandang alas 7:10 kahapon ng ng umaga .
Sa inisyal na ulat ng PNP-Maritime Group , sugatan ang anim na kataong sakay ng eroplano nang bumagsak ito sa tubig.
Sakay ng rubber boat ay nirespondehan ng local police at Philippine Coast Guard ang mga biktima na kinilalang sina Captain Florencio Ruiz; Captain Jamel Reamon; Captain Albrench Sagario; Captain Carmelita Bidayan na siyang nagpapalipad ng eroplano, Captain Ian Vincent Agdamag at Captain Robin Austria
Mabilis ding nadala sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital ang mga nasaktan para malapatan ng lunas.
Sa ulat ng Police Regional Office 3, natukoy ang piloto ng aircraft na si Captain Mel Bidayan habang ang iba ay mga student pilots and marshalls,.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang sanhi ng pagbagsak ang aircraft bagamat “mechanical failure” ang itinuturong dahilan ng piloto sa aksidente.
Nabatid na agad ding tinungo ng CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) investigators ang area para siyasatin ang insidente na kinasasangkutan ng aircraft, na pag aari ng Sentinel Logistic Air Management. (VICTOR BALDEMOR)