6 RESPONSABLE SA PAGKAWALA MGA SABUNGERO SA MAYNILA, HAWAK NA NG PNP

By: Victor Baldemor Ruiz

HAWAK na ngayon ng Philippine National police ang anim na tinuturong suspek sa pagkawala ng mga sabungero sa Manila Cockpit Arena sa noong Enero 2022.

Ang anim ay dinakip matapos ang dalawang buwang surveillance operation sa isang bahay sa Parañaque City na natunton na pinagtataguan umano ng mga kalalakihang sangkot sa pagkawala ng anim na sabungero


Ayon kay PNP Chief General Acorda Jr., sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ng Manila RTC Br 40 ay isinagawa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang inilatag na law enforcement operation laban sa mga suspek Biyernes ng hapon.

Iprinisinta ni Gen Acorda ang mga nadakip na sina Julie Patindongan alyas Dondon; Mark Carlo Zabala; Virgilio Bayog; Roberto Matillano, Jr.; Johnry Consolacion at Gleer Codilla na nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Bukod sa anim na suspek, naaresto rin ang dalawa nilang kasamahan na kinilalang sina Melchor Neri at Victorino Jocosol dahil sa obstruction of justice.. Habang inaalam din ng mga awtoridad kung sino ang tunay na may arin ng bahay na pinaglungaan ng mga suspek.


Ayon kay CIDG Regional Field Unit 4A chief P/Col. Jack Malinao, naging mahirap kanilang isinagawang surveillance dahil palipat lipat ng lugar ang mga suspek.

Subalit bigo pang matukoy ng mga imbestigador ang lagay ng mga nawawalang sabungero.


Sa pahayag ni Col Malinao, sa kasalukuyan ay wala pa umano silang hawak na impormasyon kung nasaan mga mga nawawalang sabungero at kung bakit sila dinukot sa naturang sabungan sa Sta. Ana, Maynila.

Kabilang sa mga dinukot ay sina James Baccay, Marlon Baccay, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, John Calude Venson Inonog at Rowel Gomez.


Dahil dito, agad na bumuo ang CIDG ng Special Investigation Task Group Sabungero at lumilitaw na nasa 34 sabungero ang nawawala.

Isinailalim na sa booking procedures sa headquarters ng CIDG ang mga naaresto na posibleng maharap sa reklamong kidnapping and serious illegal detention habang dadalhin muna sila sa regional office nito sa Calamba.

Matatandaan na noong Enero 13, 2022, nagreport ang mga kamag-anak ng anim na nawawalang sabungero sa Manila Cockpit Arena na pag aari ng isang kilalang gambling operator.



Tags: Philippine National Police

You May Also Like