Latest News

6 LOOSE FIREARMS AT PAMPASABOG, ITINURNOVER SA MILITAR SA MAGUINDANAO DEL SUR

By: Victor Baldemor Ruiz

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Abot sa pitong (7) mga matataas na kalibre ng baril ang itinurnover ng limang mga punong barangay ng Sultan Sa Barongis (SSB) lalawigan ng Maguindanao del Sur.

Ayon kay Lt. Col. Jayson Domingo, pinuno ng 1st Mechanized Battalion na ang mga baril ay kinabibilangan ng dalawang Cal. 30 M1 Garand Rifle, isang RPG, isang Cal. 50 Barret Sniper Rifle, isang 9mm KG9 SMG, isang 40mm M79 at mga bala; isang M203 Grenade Launcher.

Ang turn-over ceremony ng balik-baril program ay isinagawa sa Municipal Hall sa SSB, Maguindanao Del Sur. Sinaksihan naman ito ni Hon. Allandatu M. Angas Sr., ang alkalde ng Sultan sa Barongis.


Tinanggap naman ni Brigadier General Andre Santos, Commander ng 1st Mechanized Brigade ang naturang mga loose firearms sa presensiya rin ni Police Lt. Alfred Gregory, hepe ng Sultan Sa Barongis Municipal Police Station.

Sinabi naman ni Major General Alex S. Rillera, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central na ang hakbang na ito ay malaking tulong upang matanggal ang mga instrumento ng karahasan mula sa kamay ng mga indibidwal na hindi otorisadong magdala ng baril. Aniya, “Pinupuri ko ang malaking ambag ng ating mga barangay opisyal, alkalde ng Sultan sa Barongis at iba pang opisyal sa inyung tulong upang malansag ang mga loose firearms na isa sa mga programa ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr., upang masawata ang anumang kriminalidad dito sa ating lugar.”

Dahil dito, pumalo na ngayon sa 111 na mga matataas na kalibre ng baril ang itinurnover ng iba’t-ibang mga LGU sa mga units ng JTFC , mula unang buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan.


Tags: Hon. Allandatu M. Angas Sr.

You May Also Like

Most Read