Latest News

6 kinilala ni “Marissa”, hawak na ng PNP at NBI

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hawak na ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na kataong kinilala ng kapatid ng middleman na isinasangkot sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ang pahayag ay ginawa ni Remulla sa ika-28th National Correctional Consciousness Week na ginanap sa New Bilibid Prison Reservation sa Poblacion, Muntinlupa City.

” What is important is that all the persons whom the middleman’s sister has named are all in custody now,” ani Remulla.


Gayunman,sinabi ni Remulla na hindi siya sigurado kung ang mastermind ay kabilang sa mga indibidwal na nasa kustodiya na ng PNP at NBI.

Nilinaw naman ni Remulla na nasa kustodiya na nila si Christopher Bacoto,ang ikalawang middleman na kumuha ng serbisyo ng gunman na si Joel Escorial at Jose Villamor, na kasama sa mga ‘ikinanta’ ni Marissa.


Nabatid kay Remulla na nasa Witness Protection Program (WPP) na si Marissa kung saan ikinukunsidera na ang mga testimonya nitong ibinigay ay mahalaga sa kaso ng pinaslang na si Lapid.

Ang mga impormasyon na ibinulgar ni Marissa ay ibinigay ng kanyang kapatid na
si Jun Globa Villamor, sa pamamagitan ng messenger sa Facebook.


Magugunita si Villamor ay natagpuang walang malay noong Oktubre 18 sa kanyang selda sa NBP at nakulong noong 2019 sa kasong murder,frustrated murder at paglabag sa election gun ban. (Philip Reyes)

Tags: Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like