Nakitang palutang-lutang sa baybayin ng Manila Bay ang 6-anyos na batang lalaki, kamakalawa ng hapon sa may Baseco,Port Area, Maynila.
Ayon sa Manila Police District-Police Station 13 , ang biktima ay kinilalang si John Raven Junio,ng Brgy. 105 Happy Land, Tondo.
Nabatid na alas-3:30 ng hapon nang makita ang biktima sa nabanggit na lugar.
Wala namang nakitang sugat o indikasyon na pinaslang ang bata kaya hinala ng pulisya na nalunod ang biktima. (Carl Angelo)