Latest News

6.1 % INFLATION RATE, NAITALA

By: Victor Baldemor Ruiz

MAS bumilis pa ang inflation rate sa Pilipinas kasunod ng pagsipa ng presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas at iba pang agricultural products at serbisyo.

Ayon sa naging pahayag ng Philippine Statistic Authority (PSA), bumilis ang antas ng pangunahing bilihin at serbisyo noong September 2023.

Sa datos na ibinahagi ni USec. Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General ng PSA, umakyat sa 6.1% ang naitalang inflation rate sa bansa para sa buwan ng September 2023.


Paliwanag ni Mapa, mas mabilis ito kumpara sa 5.3% inflation rate noong August 2023.

Itinuturong dahilan ng pagbilis ng inflation noong September 2023 ang food and non-alcoholic beverages, gaya na lamang ng mabilis na pagtaas ng presyo ng bigas at karne ng baboy.

Nagpalala pa rito ang mataas na presyo ng gasoline, diesel, LPG, oil at iba pang petroleum products na nagpabilis sa nararanasang high inflation rate ng Pilipinas.


Tags: Philippine Statistic Authority (PSA)

You May Also Like

Most Read