Latest News

5k pulis, ikakalat sa Maynila

AABOT sa may 5,000 miyembro ng Manila Police District(MPD) ang idi-deploy sa iba’t ibang panig ng Maynila sa May 9 elections.

Gayunman,sinabi ni PMajor Philipp Ines,hepe ng MPD-Public Information Office ,aabot sa 12,000 augmentation force mula sa iba’t ibang ahensiya ang makakatuwang ng MPD sa pagbabantay sa Maynila.

Tiniyak naman ni Ines na nakalatag na ang security measure ng MPD para sa nalalapit na eleksiyon.


Nakahanda na rin ang mga kagamitan gaya ng mga sasakyan ng MPD na maaring gamitin sa mga hindi inaasahang pangyayari

Bawal din umano na magday-off ngayon ang mga pulis at sila ay magdu-duty ng 12 oras kada shifting.


Kasabay nito,nanawagan si Ines sa publiko na maging mapagmatyag sa araw ng halalan.

Tiniyak ni Ines na hindi ipagki-kibit balikat ng MPD ang anumang paglabag na mangyayari sa halalan,gayundin kung may intelligence report na may mga grupo na magtatangkang guluhin ang halalan. (Carl Angelo)


Tags: Manila Police District(MPD)

You May Also Like

Most Read