Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng may 583 kaso ng leptospirosis mula Enwro 1 hanggang Abril 30 sa bansa.
Ito umano ay parehas lamang ang bilang ng mga kaso na iniulat sa parehong panahon noong 2021.
Gayunman, sa pagtingin sa lingguhang mga kaso, mas mataas na bilang ng mga kaso ng leptospirosis ang naitala noong Marso 13 hanggang Abril 30.
Naitala ang mataas na bilang ng kaso sa Region VI (101, 17%); NCR (76, 13%); at Region II (69, 12%).
Habang umabot naman sa 77 ang iniulat na nasawu dahil sa kaso ng leptospirosis at ang case fatality rate ay nasa 13.2 percent. (Jantzen Tan)