Ni Itchie G. Cabayan

Sa gitna ng pagkaka-revoke ng kanyang travel clearance, nagbitie si Congressman Elizaldy Co bilang Kinatawan ng Ako Bicol Partylist sa Kongreso. Ipinasa na sa House Committee on Ethics ang nasabing liham.


Matatandaang sa kanyang liham, sinabi ni Dy kay Co na: “The revocation of your travel clearance should not be construed as prejudgment, but as a necessary opportunity to answer the allegations against you directly and in the proper forum.”

Binigyan ni Dy si Co ng hanggang September 29, 2025 (Lunes) upang bumalik sa Pilipinas.

“Failure to comply shall be construed as refusal to subject yourself to the lawful processes of the House and will result in the initiation of appropriate disciplinary amd legal actions,” ayon pa sa liham ni Dy.


Bilang pagsagot ay sinabi ni Co sa liham niya na siya ay nababa na sa puwesto upang bigyang-daan ang iba sa partido na punuan ang puwestong babakentehin niya.

“Mabigat man sa aking puso, ako’y nagpaabot ng aking pagbibitiw bilang Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa loob ng aking panunungkulan, aking sinikap na maging kasurog ng bawat Pilipino, lalo na ng ating mga kababayan sa Bicol,” ani Cod.




“Ang desisyong ito ay hindi naging madali, ngunit ito ay aking tinimbang nang mabuti para sa ikabubuti ng aking pamilya at ng mga taong patuloy kong pinaglilingkuran. Maraming salamat sa pagsuporta,” dagdag pa ni Co,

Samantala, sinabi ni Senate President Pro Tempore and Blue Ribbon Committee chair Ping Lacson na halos lahat ng senador ng 19th Congress ay gumawa ng ‘insertions’ ng hindi bababa sa P100 billion halaga ng items sa 2025 General Appropriations Act (GAA).


Batay sa mga dokumento, sinabi ni Lacson na ang ‘individual insertions’ ay “for later release” kalaunan. Aniya, ang listahan ng Congressmen na nagsagawa ng parehong insertions ay ‘lengthy’ o mahaba.

Tags: Congressman Elizaldy Co

You May Also Like