Sa loob mismo ng Manila Police District-Station 6, isinilbi ang arest warrant laban sa isang 58- anyos na lalaki para sa kasong large scale illegal recruitment, kahapon ng tanghali sa Maynila.
Kinilala ni P Major Edwin Malabanan ang suspek na si Gil Barbadillo, taga 1644 Neptuno Street, Brgy 813 District V, Paco, Maynila.
Nabatid na alas-.12:30 ng tanghali nang isilbi ang arrest warrant sa suspek sa nabanggit na presinto.
Nabatid na walang inirekomendang piyansa si Presiding Judge Renato Enciso ng Manila RTC Br. 12 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Nakadetine sa Sta. Ana Police Station Custodial Facility, ang suspek habang hinihintay mula sa korte ang commitment order.