Sa likod ng pahayag ng isang opisyal ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry na may 10 kaso ng kidnapping ang kanilang naitala sa loob ng 10 araw ay iginiit pa rin Philippine National Police na bumaba ang naitalang krimen sa bansa.
Ayon kay Police spokesperson Pcol. Jean Fajardo, nasa 11 porsyento ang ibinaba ng crime statistics ng Pilipinas kumpara sa datos na naitala noong nakaraang taon.
Salungat ito sa pananaw ng PCCC na lubhang nakaka-alarma ang nasabing crime situation sa bansa kaya nanawagan siya sa mga mambabatas at sa mga kapulisan na matugunan agad ito upang mapawi ang agam-agam ng mga mamamayan.
Sa ginanap na pulong balitaan na dinaluhan nina House Minority Leader Marcelino Libanan at Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration Jose Chiquito Malayo ay inihayag ni Ang na; “Recent disturbing events create a state of fear and uneasiness among the Filipino Chinese Community. This is because of the recent rampant kidnapping cases both in Metro Manila and some parts of Luzon,” .
Agad naman kinontra ni PNP acting office in charge ang datos ni Ang. Sabi ni Malayo na nakapagtala lamang ang pulisya ng apat na insidente ng kidnapping ngayong taon.
Kayat hinikayat niya ang mga biktima na lumapit sa kanilang tanggapan para matulungan at maresolba ang mga sinasabing kidnapping cases na ayon kay Ang ay hindi naman lahat naganap sa Binondo sa maynila.
“You mentioned there are indeed kidnapping incidents. We appreciate that if somebody could come to our office, we will deal with it immediately. We promise you that we will support and protect our Chinese in Binondo,”ani Malayo,
Base sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. na tiyakin ang kaligtasan ng ating mga kababayan.
Dahilan kung bakit mas pinaigting pa ng buong hanay ng kapulisan ang maximum police presence hindi lamang sa mga paaralan kundi pati na rin sa mga public convergence o crime prone areas.
Samantala, ibinahagi rin ni Fajardo na upang tiyak na maipatupad ang mahigpit na seguridad sa bansa ay binigyan na rin nila ng patrol duties ang mga pulis na nasa admin duties.
Maging ang mga specialized pnp units aniya mula sa mga mobile force companies at special action force ay tutulong na rin upang matiyak na mapapanatili ang police presence at visibility lalo na ngayong nagsimula na ang “ber” months. (VICTOR BALDEMOR)