56-ANYOS NA BABAE, PATAY NANG MAHILO AT TUMAMA ANG ULO SA HAGDANAN

By: Baby Cuevas

ISANG 56-anyos na babae ang nasawi matapos mahilo at mahulog sa hagdanan Huwebes ng umaga sa ikalimang palapag ng Manly Mansion na matatagpuan sa 2062 Claro M.Recto corner San Sebastian St., Quiapo, Maynila.

Wala nang buhay at may malaking biyak sa ulo nang matagpuan ang biktimang si Teresa, ng Room 3 Unit 503 sa Manly Mansion, malapit sa hagdan kung saan ang kanyang paa ay nakaangkla sa unang baitang ng hagdanan.

Ang nakakita sa kanya ay si Job Jaymar Bonganay, 25, seafarer at umookupa sa Room 2 ng Unit 503 ng Manly Mansion.


Sa imbvestigasyon ni PCMS Dennis Suba ng Manila Police District -homicide section, natagpuang duguan ang biktima alas- 5:40 ng umaga malapit sa hagdan, habang naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay katabi ang isang garbage bag.

Ayon kay Bonganay, pababa siya sa hagdan nang makita ang biktima na duguan. Kaagad siyang bumalik sa kuwarto at tinawag ang kasamahan at ipinaalam nila sa building administrator ang nakita.


Sinabi naman ng ka-live in ng biktima sa pulisya na bago umalis ng bahay para pumasok sa trabaho ay binanggit ng biktima na masama ang kanyang pakiramdam at siya ay nahihilo.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read