Ipinroklama na ng Commission on Election(Comelec), ang 55 nanalong party-list groups sa katatapos lamang na May 9 national and local election matapos ang ilang beses na pagkakaantala ng proklamasyon sa Philippine International Convention Center (PICC).
Binati ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan ang nai-proklamang party-list group na.magiging bahagi ng 19th Congress.
“The party-list groups enable Filipino citizens belonging to marginalized, under-represented, and those lacking well-defined political constituencies to be represented in Congress,”ayon kay Pangarungan.
“Such groups are given a stronger voice so that all sectors may be included as our nation moves towards development and prosperity,”dagdag pa ni Pangarungan.
Nabatid na sa 55 grupo, 39 ang re-electionists/ Umabot sa 178 partylist groups ang nag-agawan para sa 62 party-list seats pero 177 pangalan lamang ang naisama sa balota matapos tanggalin ng Comelec ang Malasakit Movement nang ibasura ang kanilang accreditation.
Kabilang sa nai-proklama ang mga sumusunod:
ACT-CIS (Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support, Inc),1-RIDER PL (Ang Buklod ng mga Motorista ng Pilipinas), TINGOG (Tingog Sinirangan), 4PS (Pagtibayin at Palaguin ang Pangkabuhayang Pilipino),
AKO BICOL (Ako Bicol Political Party),
SAGIP (Social Amelioration & Genuine Intervention on Poverty),
ANG PROBINSYANO (Alyansa ng mga Mamamayang Probinsyano),
USWAG ILONGGO,TUTOK TO WIN ,
CIBAC (Citizen’s Battle Against Corruption),
SENIOR CITIZENS PL (Coalition of Associations of Senior Citizens in the Philippines, Inc),DUTERTE YOUTH
AGIMAT (Agimat ng Masa) at
KABATAAN.
Sa kabila na ang United Senior Citizen’s Party-list ay nakakuha ng sapat na boto ,hindi ito ipinroklama ng Comelec bilang winning group sa dahilan hindi pa nareresolba ang motion for reconsideration para sa pagbasura ng kanilang registration.
Samantala, binigyan naman ng tatlong upuan ang ACT-CIS matapos na makakuha ng 5.7363% ng kabuuang boto,habang ang 1-RIDER Party-list, TINGOG, 4Ps, Ako Bicol, at SAGIP ay may tig-2 seats at tig-iisang seat naman sa lahat ng iba pang nanalong grupo.
Naganap ang proklamasyon ng mga nagwaging partylist groups isang araw matapos ang proklamasyon nina President-elect Ferdinand “Bongbong “Marcos, Jr. at Vice President- elect Sara Duterte. (Jantzen Tan)














