Latest News

541 kaso ng HFMD, naitala sa Albay

Nakapagtala umano ng may 541 kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD) sa Albay nitong Nibyembre 15 hanggang 25.

Ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, ang kaso ng HFMD ay naitala sa 10 bayan at dalawang siyudad sa Albay.

Napag-alaman na ang munisipalidad ng Oas ang may pinakamataas na kaso na umabot sa 162 na sinundan ng Legazpi City at Guinobatan.

Nabatid na mayorya ng dinapuan ng HFMD ay mga bata nasa edad isa hanggang 10 taon.

Sinisimulan na rin ng Provincial Hospital Office – sanitary services ang disinfection sa komunidad.

Kabilang sa sintomas ng HFMD ang lagnat rashes.

Pinaalalahanan rin mg Health officials ang mga nakararanas ng sintomas na manatili sa bahay upang maiwasan na makahawa. (Arsenio Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read