54,000 metriko tonelada ng durian, i-export sa China

Nakatakda umanong mag-export ang Pilipinas ng Durian sa China ngayog 2023.

Ayon kay Durian Industry Association of Davao City (DIADC) head Emmanuel Belviz, naka-commit umano sa China si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mage-export ng 54,000 metriko tonelada ng Durian sa China ngayogn taon.


Itinataya ni Belviz na ang export volume ay nagkakahalaga ng $150 milyon.

Gayunman,sinabi ni Belviz na kaya nila mag-export ng Durian pero ang problema ay ang kalidad.

“We have the capacity. The problem is the quality. We have to teach the market how to improve the quality… China wants really good quality and food-safe durian,” ayon kay Belviz.


Gusto kasi ng China na.maganda ang kalidad at ligtas na kainin ang i-export na Durian sa China, aniya. (Jaymel Manuel)


Tags: Emmanuel Belviz

You May Also Like