MAHIGIT kalahati ng populasyon bansa ang pabor na higit pang palawigin ang ugnayan ng Pilipinas at United States sa gitna ng umiinit na sigalot sa West Philippine Sea.
Base ito sa ginawang Tugon ng Masa nationwide survey ng OCTA Research nuong nakalipas na buwan kung saan lumilitaw sap ag aaral na suportado ng nakararaming Pinoy pagpapalawig pa sa military cooperation ng bansa sa Estados Unidos para matugunan ang suliraning kinakaharap kinakaharap ng Pilipinas hinggil sa mga inaangking teritoryo sa West Philippine Sea.
Lumitaw na nasa 54 porsyento ng may 1,200 na mga babae at lalaking Pilipino na mayroon edad na 18 taong gulang at pataas ang tumugon ng positibo sa pinakahuling Tugon ng Masa nationwide survey ng OCTA Research mula Hulyo 22 hanggang 26, 2023 sa.
Lumabas sa pag aaral ng OCTA Research na mahigit kalahati ng adult Filipinos ang pabor sa pagpapalakas at pagpapalawig pa sa military ties ng Pilipinas at Estados Unidos, habang nasa 11% naman ang hindi pabor, at 32% naman ang undecided.
Sa datos, nasa 56% ang naitala sa Luzon, habang 59% naman sa Mindanao, 46% naman ang nakalap sa National Capital Region at Visayas na pawang mga pabor din sa nasabing usapin.
Hindi naglahad ng kadahilanan kung bakit hindi pumabor ang mahigit sa sampung porsyento ng mga tinanong hinggil sa isyu
Nabatid na nakapagtala rin ang naturang grupo ng mga hindi pabor sa pagpapalawig pa sa US-PH military cooperation kung saan 14% ang naitala sa Visayas, 11% sa Luzon, 8% sa Metro Manila, at 11% sa Mindanao.
Magugunitang iginiit ni Defense Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr. na nararapat na manindigan ang Pilipinas at huwag hayaan ang China na gumapang papalapit sa bansa.
Inamin ni Kalihim Teodoro na may mga propagandista sa isyu ng West Philippine Sea ngunit nanindigan siya na malinaw ang mandato ng DND na palakasin ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Bukas ang DND sa pakikipag-usap sa counterpart sa China dapat umanong maging patas ito. May mga nanawagan din sa sambayanan na huwag maniwala sa psywar at narratives na inilalatag ng China para pahinain ang depensa ng bansa sa pamamagitan ng pagkawatak watak.
Iginiit din ng kalihim sa pagdalaw nito sa ilang EDCA Sites na wala silang nalalaman sa sinasabing kasunduan ng Pilipinas at China na pag-alis sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.














