DALA ng sobrang init, inatake umano at nasawi ang isang 540anyos na driver kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.
Nagsisimula nang maagnas ang katawan ng biktimang si Oscar Villarba, ng 4927 Int. 13 Valenzuela St. Sta. Mesa, Maynila nang makita ng kanyang kapatid na si Philipp , alas- 5 ng gabi sa loob ng kuwarto nito.
Nakahubad pa umano ang biktima nang makita at hinihinalang inatake ito sa puso dahil sa sobrang init ng panahon.
Diumano, huling nakitang buhay ang biktima alas- 10 ng umaga noong Abril 2 habang bumibili ng pagkain.
Sinabi ni Philipp na magpapalit sana siya ng damit nang mapansin ang masangsang na amoy na nanggagaling. sa kuwarto ng biktima, kung kaya’t binuksan niya ito. Doon niya nakita ang biktima na nakahubad at wala nang buhay.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, malakas umanong manigarilyo ang biktima at ilang araw na ring nagrereklamo ng pananakit ng dibdib.
Hinikayat umano nila ito na pumunta sa doktor at magpatingin pero tumatanggi ito at sinasabing wala siyang oras para doon.