5,366 HIGH-VALUE TARGET NASAKOTE NG PDEA; P31.98-B DROGA, NASAMSAM

By: Victor Baldemor Ruiz

IPINAGMALAKI kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umaabot sa 5,366 high value targets ang kanilang nadakip habang umaabot naman sa P31.98 bilyon ang halaga ng iligal na droga ang kanilang nasamsam, base sa kanilang running tally mula July 1, 2022 hanggang January 31, 2024

Sa datos ng PDEA, base sa kanilang “The NUMBERS of the National Anti-Drug Campaign” ay umaabot na sa mahigit 5,366 ang high-value individuals na kanilang nadakip.

Pinakahuling napasama sa listahan ng PDEA ang isang Ranel David, 36 anyos ng Sitio Agkuyapnit, na nadakip ng mga operatiba ng PDEA Aklan Provincial Office katuwang ang PDEA Capiz at Altavas Municipal Police Station Special Drug Enforcement Team (SDET), kasunod ng isinagawang buy-bust operation sa Sitio Agkuyapnit, Barangay Talon, Altavas Aklan.


Nadagdag din sa listahan si Agnes Labrador Ricablanca @ Aking, 46 na kabilang sa Regional Target Listed Drug personality na nadakip kasama ng apat na iba pa sa sinalakay na drug den sa Barangay Matina Aplaya, Davao City ng mga tauhan ng Regional Special Enforcement Team (RSET) ng PDEA Regional Office XI, National Bureau of Investigation (NBI-SEMRO XI), NISG Eastern Mindanao, Philippine Navy Eastern Mindanao at Police Precinct 8 (Toril Police Station).

Sa inilabas na accomplishment report ng PDEA mula July 1,2022 hangang January 31,2024 ay sinasabing umaabot sa P31.98 billion ang kabuuang halaga ng iba’t- ibang uri ng droga na ang kanilang na-recover,


Kabilang dito ang shabu nasa 4,317 .46 kilograms; cocaine na 50. 47 kgs; 54,013 tableta ng ecstasy at marijuana na umaabot sa 3,197 .19, kilo .

Umabot naman sa bilang ng 28,247 ang naitalang drug -cleared barangay ng PDEA, habang ang mga affected barangay ay bumaba naman sa 7,264.


May isang clandestine drug laboratory ang na-dismantle habang umaabot naman sa 856 drug dens ang kanilang nawasak.

Umabot naman sa 79,841 ang nadakip na mga drug personalities sa loob ng kanilang inilunsad na 58,596 anti-narcotics operations.

Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like

Most Read